"WIKA NATIN ANG TUWID NA DAAN", ito ang tema sa buwang ito ngayon.Ano nga ba ang ibig iparating ng temang ito sa ating mga Pilipino.
Bilang isang likas na Pilipino dapat nating gamitin ang sarili nating WIKA na Filipino.Imbis na salitang banyaga ang ating gamitin maari namang gamitin ang sariling ating.Bakit pa tayo nagpapakahirap na mag-ingles kung meron naman na tayong wikang Filipino? Para lang ba matawag na "sosyal"? Akin ding napapansin ang kanilang mga mali-maling mga salita, inyo silang pakinggan pag nagsalita, saakin kayo ay sasang-ayon.May mga iba din tayong mga kababayan na tinatangkilik ang produkto ng ibang bansa.
Paano natin mapapaunlad ang ating bansa kung umaasta tayo na para bang tayo'y sa ibang bansa ipinanganak.
Dapat nga ipagmalaki natin na tayo ay dugong Pilipino dahil sa dami ng bansa dito sa mundo ang bansang Pilipinas lang ang mayroong isang daan at pitumpong lenggwaheng ginagamit.Sabi nga ni Rizal, "Ang Taong Hindi Marunong Magmahal sa Sariling Wika ay Higit Pa sa Malansang Isda".
Ikaw kaibigan? Isa ka ba sa tinutukoy ni Rizal dito? :)
No comments:
Post a Comment